September 19, 2024

TONI GONZAGA, WALA NA NGA BANG PLANONG BUMALIK SA PINOY BIG BROTHER

KUNG muling magbubukas ang Bahay ni Kuya sa panibago nitong season, balak pa kayang bumalik ni Toni Gonzaga sa ‘Pinoy Big Brother’ ng ABS-CBN?

Narito ang sagot ni Ultimate Media Star na si Ms. Toni Gonzaga-Soriano. “Sapat na siguro iyong 16 years akong naging host ng ‘Pinoy Big Brother,’ time na siguro na ibigay na ito sa ibang mga host.

 “Magagaling at mahuhusay ang mga bagong line-up ng mga hosts na sina Kim Chiu, Melai Cantiveros, Enchong Dee, Robi Domingo at Bianca Gonzalez at naging mga housemates din sila.

“May mga bagong hosts, magagaling din sila at ito na siguro iyong time para mag-shine sila. Alam n’yo naman na special at memorable sa puso ko ang ‘PBB,’ at alam kong magpapatuloy ang legacy na ito ni Kuya,” masayang kwento ni Toni Gonzaga-Soriano.