Inanunsyo ng Manila Electric Company o MERALCO na magkakaroon ng dagdag-singil ang sasalubong sa kanilang mga kustomer ngayong Enero ng 2024.
Sa abiso ng MERALCO ngayong araw, Php 0.08 centavos per kilowatt hour ang ipatutupad nilang dagdag singil sa kuryente ngayong buwan.
Paliwanag ng MERALCO, nagmahal kasi ng presyo ng kuryente sa spot market at tumaas ang generation charge
Katumbas ang dagdag-singil sa kuryente ng Php17 para sa mga komokunsumo ng average na 200 kwh at Php42 naman para sa mga komokunsumo naman ng 500 kwh.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA