
Nagretiro na sa paglalaro si Cleveland Cavaliers point guard Ricky Rubio.
Ayon sa Spanish basketball player na hindi na ito aktibo ngayong season dahil nais niyang bigyang prioridad ang mental health.
Naglaro ng 12 taon si Rubio sa NBA kung saan ilang mga koponan na ito napunta.
Una ay sa Minnesota Timberwolves, Utah Jazz, Phoenix Suns at Cavaliers.
Noon pang Agosto 5 ng nakaraang taon ay nagpahapyaw na ito ay magdahan-dahan sa paglalaro.
Huling pumirma ng $18 milyon si Rubio sa Cavs noong Hulyo 2022.
May average ito na 10.8 points at 7.4 assists kada laro.
Taong 2009 ng kunin siya ng Timberwolves bilang 5th overall pick. RON TOLENTINO
More Stories
DepEd: Pasukan para sa SY 2025–2026 magsisimula sa Hunyo 16
DATING ILOILO MAYOR JED MABILOG, MULING LUMAHOK SA VIA CRUSIS
ANG PHARMALLY QUEEN AT ANG KATAHIMIKAN NG COMELEC