
TUMANGGAP na ng mga graduating students o graduates mula sa Philippine State College of Aeronautics (PhilSca) ang Philippine Air force (PAF) bilang mga trainees sa ilalim ng On-the-Job Training Program.
Ayon sa PAF, kabilang sa natanggap ay sina Yvann Lowell Mercado, BS in Aeronautical Engineering; Joven S Reufrir, BS in Aeronautical Engineering; Reign Christienne Babasol, BS in Aeronautical Engineering; at Jervey Cadiz, Associate in Aircraft Maintenance.
Aabutin ng 420 na oras ang kanilang training at nagsimula noong Nobyembre 20.
Idedeploy sila sa iba’t ibang unit ng PAF.
