NASA 56 na rehistradong mangingisdang Navoteños ang natakatanggap ng NavoBangka fiberglass boats at lambat mula kay Senator Imee R. Marcos bilang bahagi ng isang linggong pagdiriwang ng kaarawan nina Mayor John Rey Tiangco and Cong. Toby Tiangco.
Binati ni Mayor Tiangco ang mga benepisyaryo at nagpahayag ng kanyang pasasalamat sa pagsisikap ng senador.
“We recognize the hardships that our fisherfolk experience and the sacrifices they make to give their families a better life. At the same time, we are grateful to Sen. Imee for the continuous assistance she extends to Navoteños,” ani alkalde.
“We encourage everyone to make the most of this opportunity. Continue to save up for your families and strive to own more fishing boats,” dagdag niya.
Samantala, pinaalalahanan naman ni Cong. Tiangco ang mga benepisyaryo na tumulong sa pangangalaga sa kapaligiran mula sa polusyon at pagkasira.
“Most Navoteños, including us, rely on the sea for our livelihood. It’s crucial that we keep our seas and oceans free from pollution to ensure a plentiful catch,” he said.
Nakatanggap ang mga benepisyaryo ng mga fiberglass boat na nilagyan ng 16-horsepower marine engine at underwater fittings, gayundin ng lambat, lubid, at fishing buoys.
Ang NavoBangkabuhayan Program ay inilunsad noong 2018 bilang isang inisyatiba upang matulungan ang mga mangingisda na magkaroon ng napapanatiling kabuhayan kung saan higit na 300 mga indibidwal ang nakinabang mula nang ilunsad ito.
Dumalo rin sa kaganapan si Regional Director Noemi SB. Lanzuela ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources – National Capital Region, at G. John Romar Pedrigal, Market Specialist mula sa Department of Agriculture Agribusiness and Marketing Assistance Service, at mga opisyal ng lungsod.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY