September 20, 2024

WALA RAW OFFER ANG TV5 KAY MEGASTAR SHARON CUNETA

MUKHANG iwas ang management kay Megastar Sharon Cuneta, dahil nga na involve ang actress sa political side ng kanyang career. Aminado ang management ng TV5, na wala silang offer o plan okay Ms. Cuneta. Kaya nga hindi nila ito napag-usapan kung may project sila o wala.

“Ang usap-usapan kasi, mukhang ayaw nilang madikit kay Sharon Cuneta dahil ayaw nilang mapulitika. Pero malaki ang respeto nila kay Sharon, iwas sila dahil sa maagang ginawang pag-campaign niya sa gusto niyang politikong iindorso.

“Isa pa raw, wala naming project na nakalaan para talaga sa kanya. Kung meron daw bakit ba hindi, dahil malaki ang kanilang paniniwala na hanggang ngayon ay sikat at marami pa ring tagahanga an gating Megastar na si Sharon.

“Pero sa ngayon ay mukhang mahihirapan si Sharon na mabigyan ng slot sa TV5, pero mukhang hindi rin naman type ni Tita Shawie ang TV5. Dahil mukhang hindi ito na aalarma sa pagsasara ng ABS-CBN, dahil nananatiling tahimik lang ang singer/actress.” Ayon sa insider ng TV5.