
MUNTIK na palang hindi matuloy ang teleseryeng pagbibidahan ni Ms. Claudine Barretto sa GMA 7, mabuti na lang daw at hindi hinayaan ng management iyong dalawang tao na humaharang sa kanyang projects.
“Dinedma na lang ni Claudine iyong humaharang sa kanya, ngayong may teleserye na siya sa GMA 7. Hindi niya aaksayahin iyong tiwalang ipinagkaloob sa kanya ng management.
“Nagpasalamat na si Claudine sa GMA 7 at Regal Entertainment, sa kanyang muling pagbabalik sa telebisyon. Sabi niya hindi raw niya sasayangin ang pagkakataong ibinigay sa kanya,” ayon iyan sa aking source.
More Stories
86 DRIVER, 2 KONDUKTOR POSITIBO SA SURPRISE DRUG TEST NG PDEA NGAYONG SEMANA SANTA
P102 milyong halaga ng shabu, nasabat sa checkpoint sa Samar
DepEd: Walang pagbabawal sa pagsusuot ng toga sa graduation; imbestigasyon sa Antique incident sinimulan na