BAGSAK sa kulungan ng isang construction worker na “exhibitionist” matapos makuhanan ng video habang nagpapakita ng kanyang ari sa anim na taong gulang na batang babae sa Malabon City.
Nahaharap sa kasong paglabag sa R.A. 11313 o ang Safe Spaces Act na kilala bilang Bawal Bastos Law at R.A. 7610 o ang Special Protection Against Child Abuse, Exploitation and Discrimination ang suspek na si Cesar Ramos, 49, at residente ng Int. Pilapil, Sanciangco St Brgy, Catmon.
Sa isinumiteng ulat ni P/SSg Mary June Belza ng Women and Children’s Protection Desk (WCPD) kay Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan, nasa loob ng tirahan ang testigong si Glenda Tenorio, 38 sa Pilapil Ext. Sanciangco St. dakong alas-2:46 ng hapon nang mapansin niya ang suspek na nakatingin sa batang biktima at tila may pagnanasa.
Dahil dito, kinuhanan ni Tenorio ng video ng hawak niyang cellular phone ang suspek at nagulat siya nang ilabas ng lalaki ang kanyang ari saka ipinakita sa bata na huling-huli sa kuha ng camera.
Nang ipakita ni Tenorio sa ina ng bata ang video, humingi sila na tulong kina P/Cpl Rochester Bocyag, P/Cpl Mark Jayson Pavia at P/Cpl John Michael Tigbawan ng Malabon Police Sub-Station 4 na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek na hindi na nakatanggi matapos ipakita sa kanya ang vedio na kuha sa cellphone ng kanyang kapitbahay.
More Stories
1ST SOUTHEAST ASIA SUDOKWAN C’SHIP IHU-HÒST NG PILIPINAS
US MAGBIBIGAY NG $1-M PARA SA PEPITO VICTIMS
3 SOKOR FUGITIVES NASUKOL NG BI