Inihayag ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) na matagumpay silang nakakuha ng freeze order mula sa Court of Appeals (CA) laban sa higit 100 financial accounts at virtual asset wallets na inuugnay sa isang sikat na lehislador, isang korporasyon, at ilang indibidwal na diumano’y dawit sa katiwalian at anomalya sa mga flood control projects.
Sa panayam at opisyal na pahayag ng AMLC na may petsang Oktubre 1, 2026, ipinalabas ng CA ang naturang freeze order noong Setyembre 21 matapos makakita ng probable cause na ang mga ari-arian at pondong ito ay may kaugnayan sa kasong plunder sa ilalim ng Republic Act No. 7080 o Plunder Law.
Sakop ng nasabing utos ng korte ang kabuuang 86 bank accounts, 25 virtual asset (crypto) wallets, 4apat na investment accounts at isang insurance policy
Ayon sa AMLC, ang hakbang na ito ay bahagi ng mas pinalakas na kampanya laban sa paggamit ng mga financial system at digital wallets sa mga ilegal na aktibidad at katiwalian sa pamahalaan.
