December 24, 2024

PUBLIKO DAPAT MAGING PURSIGIDO SA PAGRE-REPORT NG ONLINE SCAM

Hinikayat ng Philippine National Police ang publiko na maging pursigido sa pagsusumbong ng mga insidente ng online scam.

Sa Kapihan sa Manila Bay, pinaliwanag ni Police Capt Michelle Sabino, tagapagsalita ng PNP Anti-Cybercrime Division na taliwas sa paniniwala ng ilan, mayroon aniyang nangyayari sa kanilang sumbong

Sinabi ni Sabino na ang mga naiipong sumbong ang nagiging basehan sa mga imbestigasyon na ginagawa ng mga otoridad

Dagdag ni Sabino, isínusulong na rín ng PNP na maibaba sa mga istasyon ng pulisya ang pagtugon sa mga simpleng insidente ng online scam upang agad na matugunan.

Pinaliwanag ni Sabino na kaya hindi agad natutuguna  ang mga sumbong ng publiko ay dahil na rin sa pagkakatambak ng mga reklamo sa Anti-Cybercrime Division.

Aniya pa dapat tanggalin sa anti-cybercrime ang mga petty crimes upang makapokus ang mga otoridad sa mas malalaking krimen.