November 18, 2024

Dagdag skilled workers tinanggap sa Navotas

BINIGYAN ng parangal ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa pangunguna ni Mayor John Rey Tiangco ang Navoteño student-athletes na nagwagi ng medalya sa ginanap kamakailan na Palarong Pambansa 2023. (JUVY LUCERO)

NADAGDAGAN pa ang skilled workers ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas kasunod ng virtual graduation ng 206 trainees ng Navotas Vocational Training and Assessment (NAVOTAAS) Institute.

Sa bilang na ito, 24 ang nakakumpleto at nakatanggap ng national certification (NC) II para sa Shielded Metal Arc Welding; 12, sa Electronical Installation and Maintenance; 7, sa Dressmaking; 24, sa Hairdressing; at 15, sa Massage Therapy.

Apatnapung trainees naman ang nagtapos ng Bread and Pastry Production NC II; 15, ang Food and Beverages NC II; at 20, ang Barista NC II.

May 27 trainees din ang nakatapos ng Japanese Language and Culture, habang 22 trainees ang nakatapos ng Korean Language and Culture.

Hinikayat naman ni Mayor John Rey Tiangco ang mga nagsipagtapos na patuloy na mag-aral at magtrabaho sa pagpapabuti ng kanilang sarili.

“Seize every opportunity to learn. Continuous self-improvement and empowerment is the best investment you can make,” pahayag niya.

Ang Navotas ay may apat na training centers na bukas para sa mga Navoteño at hindi Navoteño trainees habang ang mga residente ay maaaring mag-aral ng libre sa nabanggit na training institute at ang mga hindi naman residente ng lungsod ay sasailalim sa assessment exams ng libre depende sa kursong kukunin nito.