TINIYAK ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco sa publiko na sapat ang manpower para matugunan ang inaasahang pagbuhos ng pasahero sa summer seasons.
Ayon kay Tansingco, inaasahan na papalo sa 30,000 daily arrivals at 34,000 departures.
“Apart from no leaves for port personnel during the peak season, I have instructed the BI airport terminal heads to personally make sure that all counters are fully manned to service all inbound and outbound passengers,” saad ng opisyal.
Nagbigay na rin ito ng direktiba sa mga BI terminal heads na makipag-ugnayan sa mga airlines para sa pagproseso ng mga pasahero.
“Airport authorities have shared that the BI’s space in NAIA Terminal 3 will be expanded soon, which will allow us to deploy more immigration officers. Apart from that, we are expecting a new batch of 38 immigration officers to graduate from the BI’s academy in Clark, followed by a batch of 147 additional immigration officers,” the dagdag ng BI chief.
Idinagdag pa nito na patuloy ang pagtanggap ng ahensya sa mga aplikanteng immigration officers para sa inaasahang international travel surge.
Samantala, tinugon din ni Tansingco ang kumalat sa Twitter post na nagpapakita ng mga larawan at videos ng paliparan na ipinagbabawal sa immigration area.
“The policy of disallowing photos and videos in the immigration area is not new, and similar signages have been posted in the past. The same is being practiced in many countries,” sabi pa ng opisyal.
Sinang-ayunan din ni Tansingco na dapat na pahusayin ang mga signages na nagpapakita ng hospitality ng mga Filipino. “While the policy remains, I have instructed the BI airport management to temporarily remove the signages for them to be improved,” sabi nito. JERRY S. TAN
More Stories
2 tulak, kulong sa higit P.1M droga sa Caloocan
PAGAWAAN NG PEKENG VITAMINS SINALAKAY NG NBI (Washing machine ginagamit na panghalo)
RECTO NAKATANGGAP NG SUPORTA MULA SA LORD MAYOR NG LONDON