
ISINELDA ang isang lalaki na listed bilang No. 5 most wanted ng Valenzuela City Police matapos masakote ng pulisya sa isinagawang manhunt operation sa Bulacan.
Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr ang naarestong akusado bilang si Gerald Alcaide alyas “Gerald Nguso”, 31, ng Sta. Maria St., Barangay Gen. T. De Leon, Valenzuela City.
Ayon kay Col. Destura, nakatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Valenzuela police na naispatan ang presensiya ng akusado sa Barangay Santol, Balagtas, Bulacan.
Alinsunod sa kampanya ng PNP kontra wanted persons, agad nagsagawa ang WSS sa pangunguna ni PLt Ronald Bautista ng manhunt operation in relation to SAFE NCRPO na nagresulta sa pagkakaaresto kay Alcaide sa nasabing lugar.
Si Alcaide ay dinakip nila sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Valenzuela City Family Court Branch 16 nooong September 20, 2022 para sa kasong Rape na walang inirekomendang piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
More Stories
Mahigit 57,000, Pinayagang Makaboto sa Local Absentee Voting — Comelec
POPE FRANCIS, PUMANAW NA SA EDAD NA 88
IMEE MARCOS: PRESYO NG BILIHIN, TULONG SA SOLO PARENTS, SENIOR AT PWD, PRAYORIDAD SA SUSUNOD NA TERMINO