SA kulungan ang bagsak ng isang 18-anyos na estudyante na kabilang sa mga most wanted persons ng Malabon City matapos maaresto ng pulisya sa isinagawang manhunt operation sa naturang lungsod.
Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Amante Daro ang naarestong akusado bilang si John Wenzel Modelo, grade 10 high school student at residente ng No. 143 Reparo St., Bagong Lote, Brgy. Potrero.
Ayon kay Col. Daro, alinsunod sa kampanya ng PNP kontra wanted persons ay nagsagawa ang mga tauhan ng Warrant and Subpone Section (WSS) ng Malabon police sa ilalim ng pangangsiwa ni P/Major Alfredo Agbuya Jr ng manhunt operation in relation to One Time Big Time na nagresulta sa pagkakaaresto kay Modelo sa kanilang bahay dakong alas-7:30 ng gabi.
Ani P/Major Agbuya, ang akusado ay inaresto nila sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Rhoda Magdalene L Mapilep-Osinada ng Regional Trial Court (RTC) Branch 289, Malabon City noong Nobyembre 16, 2021 para sa kasong Rape na walang inirekomendang piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
More Stories
Gatchalian: Mga out-of-school children at youth ibalik sa mga paaralan
DANIEL PADILLA, POKUS MUNA SA TRABAHO AT NEGOSYO
Buwisit na mga netizens sa galit-bati drama… SHARON AT KC, NOON PA NOT IN GOOD TERMS