November 28, 2024

Matagumpay na ‘Amazing Game for a Cause’ ng PBA Moto Club at Cavite Ballers Dinagsa sa Dasma

Ang tropang PBA Moto Club at seleksyon ng Cavite Ballers ni coach Paulo Belen matapos ang matagumpay na ‘Amazing Game for a Cause’ basketball friendly exhibition game sa DLSMHSI Gym sa Dasmariñas City kamakailan.

MATAGUMPAY na nairaos ang isang makabuluhang kaganapan sa larangan  ng basketball sa ginanap kamakailang friendly exhibition game sa lalawigan ng Cavite.

 Kapwa nagpakitang-gilas ang koponang PBA Moto Club na pinangungunahan nina dating star pros na sina  Marc Pingris, Jay Jay Helterbrand at  Rico Maeirhofer at ang tropang Cavite Ballers na  seleksiyon mula sa ibat ibang panig ng lalawigan ng Cavite na pinamunuan ni Coach Paulo Belen.

“Tinagurian  itong “Amazing Game for a Cause” at ang mga nalikom na pondo mula dito ay ibinahagi sa ibat- ibang beneficiaries katulad ng De La Salle Medical and Health Sciences Institute,” sambit ni Coach Belen, dating varsity player ng Philippine Christian University(PCU) Dolphins.

kasalukuyang athletic director ng DLSMHSI. Ang naturang kaganapan ay inorganisa ng   Cavite Ballers League (CBL)sa pagsisikap ni Tutuy Perez (President ) katuwang ang  iba pang kasapi ng asosasyon tulad nila Ryan Dalosa, Artisan Felix at Rico Rivera.

Ginanap ang friendly exhibition basketball game na  napagwagian ng barkadahang ex-pros na pawang motorbike enthusiasts din sa dinagsa ng  cage fans sa DLSMHSI Gym sa  Lungsod ng Dasmariñas. Ayon pa kay  Coach Belen- kakatalagang  Director for Luzon ng bagong tatag na national sports association na Philippine Chinlone Association (PCAI), posibleng maulit ang naturang noble sports project sa kalagitnaan ng taong 2023.