SUMAILALIM sa cross-training ang sampung Quezon City Jail Male Dorm BJMP Personnel sa ilalim ni QC Jail Male Dorm (QCJ MD) Warden JSupt. Michelle Ng Bonto, kasama ang 36 QCPD Police Personnel mula sa TMRU Stations 1-16 sa ilalim ng pamumuno ni QCPD Director, PBGen. Nicolas Torre III sa demonstrasyon sa Camp Karingal sa Quezon City ngayong araw.
Layon ng SMART Training o Special Motorcycle Armed Response Team (SMART) training na palakasin ang kapasidad ng QCPD, TMRU personnel at QCJ Male Dorm BJMP personnel sa paggamit ng motorsiklo bilang Lead Escort Vehicle sa pag-secure sa Persons Under Police Custody (PUPC) na nakaditine sa mga presinto at Persons Deprived of Liberty sa BJMP. ART TORRES
More Stories
Mga LGUs, hinimok ni Tiangco na suportahan ang EPAHP kontra gutom
NAVOTAS NANALO NG MARAMING AWARDS SA EXEMPLARY GOVERNANCE
MAYROON AKONG DEATH SQUAD – DIGONG