Umarangkada na ang ilang aktibidad na may kaugnayan sa pista ng poong itim na nazareno sa 2023.
Sa inilabas na list of activities ng Quiapo church, sinimulan na ang tinatawag na pagdalaw o ang pabisita ng imahen ng Poong Itim na Nazareno sa iba’t ibang lungsod o probinsya para hindi na dayuhin pa ng mga deboto ang pista nito sa susunod na taon sa Maynila.
Ayon sa Quiapo church, Disyembre 1 hanggang 15 ay ang unang ikot ng imahen, at masusundan ito sa Dec. 27 to 29, matapos bigyang daan ang Simbang Gabi at ang Kapaskuhan. Base naman sa impormasyon na ipinadala sa Agila ng Bayan ng social communications ng Quiapo church, iikot ang imahen ng Poong Itim na Nazareno sa ilang simbahan at institusyon sa NCR, Southern Luzon, Central Luzon at Northern Luzon.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY