SUSUNDAN agad ang matagumpay ng 1st Conference, largado na ang lahat ng sistema para sa 2nd Conference ng Pilipinas Super League-PRO ‘Dumper Cup’ na inihahandog ng WINZIR at COCOLIFE na hahataw sa susunod na buwan ng Oktubre.
Ayon kay PSL president Rocky Chan ,nakahandang depensahan ng 1st Conference champion Davao Occidental COCOLIFE Tigers ang titulo nito laban sa malalakas na koponang kalahok sa tiyak na blockbuster muling liga.
“Abangan ang panibago at eksplosibong conference ng inyong PSL na sasambulat sa susunod na buwan.Inaabangan na ito ng ating bayang basketbolista kaya ilang tulog na lang…bakbakan na!” pahayag ni Chan na katuwang ang mga ka-opisyal ng liga na sina Vice Ray Alao, Basketball operations head Leo Isaac, Commissioner Mark Pingris at Deputy Chelito Caro.
Ang patok na liga na pina-finalize pa ang petsa at venue ay todo suportado ng Dumper Party List, La Filipina Corned Pork and Luncheon Meat, Amigo Segurado Pasta and Sauce, Unisol, Wilson, Wcube Solution, Inc. Adcon at Hotel Sogo.
More Stories
1ST SOUTHEAST ASIA SUDOKWAN C’SHIP IHU-HÒST NG PILIPINAS
US MAGBIBIGAY NG $1-M PARA SA PEPITO VICTIMS
3 SOKOR FUGITIVES NASUKOL NG BI