December 23, 2024

EJ Obiena, pasok sa finals ng World Athletics Championships

(EJ Obiena Contributed photo)

Nasiguro ni EJ Obiena ang kanyang spot sa pole vault final sa World Athletics Championships. Ang nasabing torneo ay idinaos sa Hayward Field sa Eugene, Oregon, USA. Kabilang si Obiena sa Top 12 performers na nag-qualified sa medal round.

Naglista ang 26-anyos na Pinoy vaulter ng 5.75m. Bukod tanging Asian na nag-qualify  sa World Athletics at target na unang Pinoy na makasungkit ng medal.Puntirya rin nito ang madagdagan ang 6 na medalya na nakopo ngayong taon.

Gayunman, makahaharap niya ang bigatin sa mundo sa nasabing torneo. Gayunman, wala naman aniyang imposible na magawa niya ang kanyang tasks.