November 24, 2024

ROBREDO NILANGAW SA HAMON! 1-ON-1 DEBATE ‘DI PAPATULAN NI BONGBONG

Ilang Linggo bago ang eleksyon, hinamon ni presidential candidate Leni Robredo ang pinakamahigpit na karibal niya ngayong halalan na si presidential bet Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Sa kanyang pahayag nitong Abril 29, sinabi ni Robredo na hindi na dadalo pa si Robredo sa panel interview ng Commission on Elections (COMELEC) dahil sa ibubuhos niya na lamang ang natitirang araw ng kampanya para sa mga rally.

Ngunit ayon kay Robredo ay papayag siyang makipag-debate sa isang tao at ‘yun ay si Marcos dahil sa hindi pa sila nagkakaharap.

“Isang kandidato na lang ang hindi pa humaharap sa taumbayan sa isang debate kasama ang lahat ng ibang kandidato. Mahalaga sana ito para masuri kami ng publiko, at para marinig nila at mapagkumpara ang vision at pagkatao namin.” ani Robredo.

“Inaanyayahan ko si Ginoong Bongbong Marcos na makipagdebate, para mabigyan ang taumbayan ng pagkakataong makaharap siya at matanong tungkol sa mga kontrobersiyang pumapalibot sa kanya.” dagdag niya pa.

Ayon kay Robredo ay hahayaan niyang si Marcos ang mag desisyon kung kailan at saan ang kanilang one-on-one debate.

“We owe it to the people and to our country. Kung papayag po kayo, anytime, anywhere, darating ako,” sabi pa ng bise.

Pero walang magaganap na debate sa pagitan ni Robredo at Marcos Jr., ang siya namang paniniyak ni Atty. Vic Rodriguez, spokesman at chief of staff ng presidential frontrunner.

“Nauunawaan ko ang kabiguang naramdaman ni Ginang Robredo na makaharap sa isang pagtatalo at bangayan si presidential frontrunner na si Bongbong Marcos.

“Maaari po na silang dalawa, na parehong naghangad na maging pangulo ng republika, ay magkaiba ng paniniwala hinggil sa pamamaraan ng pakikipagtalastasan sa mamamayan.
‘Positibong pangangampanya at walang paninira ang gabay ng UniTeam ni Bongbong Marcos. At derecho sa taumbayan ang mga mensahe nito at ang panawagan ng pagkakisa. Pawan mga negatibo, panlilinlang at paninira naman ang sa kampo ng dilawan.

“Sa panahon ng krisis sa ekonomiya na dulot ng pandemya ay malaking ginhawa marahil sa naghihirap na mamamayan ang makitang kalmado lang na nangangampanya at hindi nag-aaway at nagsisiraan ang mga taong naghahangad na mamuno sa bansa.

“Sa debate na hamon kay presidential frontrunner Bongbong Marcos ay hindi ito kailanman mangyayari sa ilang kadahilanan. At batid ni Ginang Robredo ang mga kadahilanang ‘yan.”