November 24, 2024

10-ANYOS NA BABAE MINOLESTIYA,
MANGINGISDA NALAMBAT

Rehas na bakal naman ngayon ang hinihimas ng isang matandang matapos himasin ang maselang bahagi ng katawan ng isang 10-anyos na batang babae sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.

Nahaharap sa kasong Acts of Lasciviousness in relation to RA 7610 ang suspek na kinilalang si Raymond Silvestre, 42 ng Piscador St. Brgy. Bangkulasi.

Sa report ni PSSg Annloren Binalla kay Navotas police chief Col. Dexter Ollaging, habang naglalakad ang biktimang itinago sa pangalang “N”, Grade 4 student sa kahabaan ng Piscador Street nang madaanan niya ang suspek nakatayo mag-isa sa nasabing lugar dakong alas-9 ng gabi.

Dito, bigla na lamang hinablot ng suspek ang bata at hinawakan sa maselang parte ng katawan habang nakangiti umano ng sarkastiko.

Sa labis na takot, nagtatakbo pauwi ang biktima at isinumbong sa kanyang ina ang ginawa ng suspek na naging dahilan upang humingi ng tulong ang mag-ina sa mga tauhan ng Navotas Police Sub-Station 3 na nagresulta sa pagkakaaresto kay Silvestre. (JUVY LUCERO)