
Bumida si Kim Aurin sa opensa sa pagsipa ng University of Perpetual Help System Altas. Tinalo ng Altas ang Jose Rizal University (JRU) Heavy Bombers, 77-56 sa NCAA Season 97 senior’s basketball tourney.
Nagtala ang senior guard ng 4-triples sa 1st quarter kontra sa dating team. Kaya naman, umalpas ang Perpetual sa 26-9 lead para sa Altas. Kumana si Aurin ng kabuuang 20 points sa unang yugto. Kasama na rito ang 4 boards, 3 assists at 1 steal.
Masaya naman si newly Altas coach Myk Saguiguit sa naitalang panalo ng team.
“Actually ang preparation ng teams, lahat naman kami nag-struggle. Kasi nga short yung preparation yung nagyari sa ‘min,” ani ng Altas’ mentor.
‘Ang naging sikreto nito ay yung relasyon nila. Relasyon ng players, relasyon ng coaches,” aniya.
