NASA 29 na Navoteño na gumagamit ng droga (PWUDs) ang nabigyan ng bagong pag-asa sa buhay kasunod ng kanilang pagtatapos sa Bidahan, ang community-based treatment at rehabilitation program ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas.
Sa bilang na ito, anim ang children in conflict with the law (CICL) habang tatlo sa mga nagtapos ang matagumpay na nakapasa sa anim na buwang aftercare program.
“We are thankful to our graduates for choosing to change for the better and strive to become responsible citizens,” ani Mayor Toby Tiangco.
“Acknowledging their addiction and fervently working to overcome it takes a lot of courage and self-control. We urge their families and our fellow Navoteños to support their endeavors and help them lead a changed life,” dagdag niya.
Ang mga dating PWUD ay sumailalim sa anim na buwang online at limitadong face-to-face counseling na isinagawa ng Navotas Anti-Drug Abuse Council (NADAC) katuwang ang Narcotics Anonymous.
Kasama sa Bidahan online program ang mga lecture, group counseling, relapse prevention, pati na rin ang multi-family, couple’s counseling at therapy.
Saklaw din ng programa ang 12 hakbang na pag-aaral ng grupo, women’s group, youth/CICL counseling, at mental health awareness.
“The journey to become better versions of themselves, and transform into responsible and productive citizens will not be easy. However, we promise to support and keep them on track up until they are fit and ready to be on their own,” pahayag naman ni Cong. John Rey Tiangco.
Nagsimula ang Bidahan noong Oktubre 2016. Labing-apat na batch na binubuo ng 248 na dating gumagamit ng droga ang nakapagtapos na ng community rehab and aftercare program.
More Stories
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE
BUCOR AT PAO MAGTUTULUNGAN PARA SA INMATE WELFARE PROGRAM
PILIPINAS KATAWA-TAWA NA NGA BA SA MUNDO?