MAY nadiskubre na namang mga hinihinalang vintage bombs o Explosive Remnants of War (ERW) sa isang excavation site sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon.
Ayon sa ulat, dakong alas-3:20 ng hapon nang madiskubre ang nasabing ERW sa excavation site sa loob ng Manila Central University Compound sa Morning Breeze St., Brgy. 84 ni Virgilio Lapitan, 44, welder na naging dahilan upang ipaalam sa Caloocan Police Sub-Station 5.
Kaagad na rumesponde sa naturang lugar ang team ng Caloocan Police Station Explosive and Canine Unit (SECU) sa pangunguna ni PLT Leo Limbaga, kasam sina PSSg Rowell Aguiling at PSSg Jojo Basquinas, kapwa EOD technician.
|Para ma-secure ang lugar, kinordunan ito nina PSSg Aguiling at PSSg Basquinas saka pinayuhan ang karamihan na maghanap ng ligtas na lugar bago sinuri ang status ng naturang UXO at isinagawa ang render safety procedure sa pamamagitan ng PUCA (Pick up and Carry away) kung saan narekober ang kinakalawang na tatlong unexploded ordnance at apat exploded ordnance.
Ani PLT Limbaga, ang naturang unexploded ordnance ay considered na lubhang mapanganib kung saan dinala ito sa SECU-Caloocan police para sa safe keeping bago i-turnover sa RECU-NCR para sa disposal operation.
Kamakailan, may nadiskubre ding hinihinalang vintage bomb sa isang sa excavation site sa loob ng Maynilad Compound sa Brgy. 35 ng lungsod.
More Stories
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE
BUCOR AT PAO MAGTUTULUNGAN PARA SA INMATE WELFARE PROGRAM
PILIPINAS KATAWA-TAWA NA NGA BA SA MUNDO?