October 21, 2024

Libreng medical check-up, handog ni Konsehal Alex Mangasar

MULING inilunsad ni Konsehal Alex Mangasar ang Community Caravan Mobile Clinic sa Tagaytay St., Cor. Mauban Barangay 128 sa Caloocan City.

Nagbigay ng libreng medical checkups ang naturang mobile clinic para sa mga mamamayang nahihirapan magkaroon ng access sa ganitong uri ng serbisyo.

Kabilang na rito ang libreng blood pressure test, blood glucose test, ECG, chest X-ray, at marami pang iba.

Bukod pa rito, may libre ring gamot ang Community Caravan Mobile Clinic ni Konsehal Mangasar.