October 21, 2024

BOX NG VITAMIN C NA MAY MUKHA NI GOV DANIEL FERNANDO, PINUNA

Umani ng kritisimo si Bulacan Governor Daniel Fernando matapos mag-viral sa Tweeter ang isang box ang Vitamin C tablet na makikita ang kanyang pangalan at malaking larawan.

Nag-tweet ang Twitter celebrity at pharmacist na si @arshiethromycin ng naturang larawan ng nasabing mga tablet at nagtanong kung mayroong labeling requirement para sa mga gamot.

Eto na ba ang bagong labeling requirement para sa gamot? Nabago na pala,” saad niya.

Samantala, tinawag naman ito ng isang twitter user na si @neospaceo na ito’y cheap campaign.