NAUWI sa madugong trahedya ang sanay outing ng 11 katao matapos bumaligtad ang sinasakyan nilang elf truck sa Balingasag, Misamis Oriental.
Papunta sana sa isang resort ang nasabing truck para sa na-postpone na Christmas party ngayong araw nang mawalan ng kontrol ang driver matapos bumigay ang preno sa pababang bahagi ng kalsada.
Humigit-kumulang 50 katao ang laman ng nasabing trak, karamihan sa kanila ay tumilapon, nang lumihis ito sa kalsada at sa isang puno bago ito tuluyang bumaligtad.
Kabilang sa mga nasawi ay ang 3-anyos na bata, ayon kay Balingasag municipal police chief Major Teodoro De Oro.
Kinukumpirma pa ng pulisya, kung mayroon pang tatlong nasawi.
Marami pang ibang pasaherong nasugatan, kabilang ang isang dosenang bata.
Naaresto at kakasuhan naman ang driver, na nasugatan din sa insidente at tinangkang magtago matapos lapatan ng lunas.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY