September 23, 2024

SOLIMAN E.C. IPINAHIRAM ANG P1M HALAGA NG PORTALETS SA CLARK

THANK YOU, SOLIMAN E.C. Umabot sa 20 rentable portalets ang inilaan ng Soliman E.C Septic Tank Disposal sa Clark Development Corporation (CDC) bilang bahagi ng Corporate Social Responsibility (CCR) efforts nito. Pinasalamatan ng CDC ang E.C Soliman dahil sa kabutihang loob nito. (CDC-CD Photo)

Bilang bahagi ng mga pagsisikap ng Corporate Social Responsibility (CSR), pinalawig ng Soliman E.C. Septic Tank Disposal  ang suporta nito sa Clark Development Corporation (CDC) sa pamamagitan ng pagpapahiram ng 20 portable toilet na estratehikong inilagay sa iba’t ibang lugar ng Freeport na ito.

Ang mga portalet, na nagkakahalaga ng P2,500 bawat araw kasama ang maintenance sa loob ng 20 araw, ay nagkakahalaga ng P1 milyon sa kabuuan.  Gayunpaman, ipinahiram ng Soliman E.C. ang kagamitan nang libre bilang bahagi ng programa ng CSR ng kumpanya. Ayon kay Soliman E.C. Marketing Manager Donnel Madla, ang mga portalet ay itinuturing na “VIP” type na mayroong flushable bowl sa loob ng bawat portable toilet.

Itinurn over ni Soliman E.C. Key Account Officer-in-charge Gennel Teodoro ang nasabing portalets na tinanggap ni CDC Environmental Permits Manager Engr. Rogelio Magat.

Mapakikinabanangan ng mga residente at visitors ng Clark ang mga apat na portalets na inilagay sa Picnic Grounds, dalawa sa vicinity ng Ayta Na market, habang ang iba ay sa Clark Parade Grounds.