
Ayon sa ulat ng NCRPO, humingi ng tulong sa kanila ang dalawa katao na nanakawan umano sa Barangay Kapitolyo sa Pasig.
Nang rumesponde ang mga pulis, naabutan nila ang mga tumatakas na suspek sa may West Capitol Drive at Sta. Monica Street.
Nauwi pa sa habulan ang paghuli sa mga suspek kung saan pinaputukan pa ng mga ito ang mga rumespondeng awtoridad. May isang motorista ring ninakawan ng motor habang tumatakas ang mga suspek.
Sa tulong ng mga pulis Pasig, nahuli sa follow-up operation sina Agnas at Reyes. Samantala, sina Desoloc at Almojera ay sumuko sa pulisya kinalaunan.
More Stories
LAPID SA MGA DEBOTO: MAGTIKA, MANALANGIN PARA SA PAGKAKAISA NGAYONG SEMANA SANTA
13 sugatan sa karambola ng 3 sasakyan sa Valenzuela
UNIVERSAL PENSION ACT, ISUSULONG NG SENIOR CITIZENS PARTYLIST