Ibinulsa ni Yuka Saso ang $16,613 (P841K) matapos ukupahin ang solo 48th spot sa finals ng 72nd Ladies Professional Golf Association Tour. Gayundin sa last leg ng $5M (P250M) 11th CME Group Tour Championship sa Tiburon Golf Club sa Naples, Florida.
Pumalo si Saso ng isa pang one-over par 73 para sa one-over 285.Medyo malayo ito sa ikinasa niya sa last three-round sa opening na 66. Kapos ng 20-shot sa nagkampeong si Jin Young Ko ng South Korea. Pumalo si Ko ng 63-265.
Nagbulsa ang Korean golfer ng $1.5M (P75M) ang biggest purse sa history ng world’s ladies premier circuit.
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Women’s basketball pagigilasin ng MPBA
AFAD Defense and Sporting Arms Show ikinàsa na sa SMX Pasay, Sen. JV Ejercito at CSG Maj. Gen. Francisco dumalo