November 24, 2024

MEL SARMIENTO, TINIYAK NA ‘DI SILA MAGHIHIWALAY NI KRIS AQUINO

Tiniyak ni Mel Sarmiento sa fans ng kanyang fiancée na si  Kris Aquino na forever na ang samahan nila ng aktres.

Kahapon, November 7, nag-post si Kris sa Instagram tungkol sa first date nila ni Mel sa isang fast food resto.

Isang netizen ang nagkomentong baka maghiwalay rin sina Kris at Mel.

Hindi na mababasa ang komento ng netizen sa comments section ng post ni Kris, pero ito ang pahiwatig ni Mel sa kanyang sagot.

Gamit ang account ni Kris, sinagot ng dating DILG secretary ang netizen.

Tiniyak ni Mel na hindi mangyayaring maghihiwalay sila ng fiancée dahil mahal na mahal daw niya ito.

Buong sagot ni Mel (published as is): “Bawal pala i-mention yung IG name ni pennyswise_not_so_wise. I said in Bimb’s interview, I will spend the rest of my life with her, kaya yung pag hi hiwalay is not going to happen.

“I love her very much. – Mel S. Sarmiento, her future husband.”