November 23, 2024

PHOENIX MERCURY, SINUWAG NG CHICAGO SKY SA GAME 1 NG WNBA FINALS

Sinuwag ng Chicago Sky ang Phoenix Mercury sa Game 1 ng 2021 WNBA Finals, 97-77.
Malaki aniya ang epekto ng fatigue sa team buhat sa pukpukang Game 5 ng semis. Isang araw matapos manalo ang Phoenix sa Las Vegas Aces, sumalang agad sila sa finals.


Bagamat sa balwarte nila ginawa ang laro, hindi ito naging suwerte. Naglista si Diana Taurasi para sa Mercury ng 17 points at 3 boards. Ngunit, nakapagtala siya season-high na 6 turnovers. Sa kabuuan, nagtala ang Phoenix ng 18 turnovers.


“I was pretty pathetic with the basketball today. That’s on me,” ani Taurasi


“We can’t turn the ball over like that, especially not in the Finals. That’s just me being a bad basketball player. We’ll adjust some things and hopefully will be in better position to get out of those traps.”


Hindi naman idinahilan ni Taurasi ang isyu ng pagkapagod. Maganda lang aniya ang nilaro ng Chicago sa Game 1.