November 24, 2024

CONGRESSMAN ACE BARBERS, TATAKBO BILANG RE-ELECTIONIST SA 2022

NAGHAIN sa Commission on Elections si Rep. Robert Ace Barbers bilang reelectionist o kongresista ng 2nd District ng Surigao del Norte.

Tatakbo si Barbers para sa kanyang ikatlong termino bilang kongresista sa ilalim ng Nacionalista Party.

Makakalaban ni Barbers ang abogadong si Ferdinand Larong.

Samantala, kasama ni Barbers na naghain ng kanilang kandidatura para sa 2022 elections ang iba pang miyembro ng Nacionalista Party na tatakbo sa municipal at provincial levels ng nasabing lalawigan.