PORMAL nang iaanunisyo sa Miyerkoles ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang kanyang kandidatura sa pagkapangulo para sa 2022 elections.
Ito ang kinumpirma ni Manila Public Information Office (MPIO) chief Julius Leonen, kung saan sinabi nito na si Dr. Willie Ong ang makakatambal ni Moreno.
Wala pang ibang ibinibigay na karagdagang detalye habang isinusulat ang balitang ito.
Matagal nang usap-usapan ang pagtakbo ni Moreno bilang pangulo sa susunod na taon.
Pasok din ang kanyang pangalan sa mga nagsulputang presidential survey.
Ayon sa Pulse Asia survey na inilabas noong Hulyo 13, pumapangalawa si Moreno sa top choice bilang susunod na lider ng bansa, habang nangunguna naman ang anak ni Pangulong Rodrigo Duterte na si incumbent Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.
More Stories
JINGGOY NAPIKON KAY EX-PDEA AGENT MORALES: ‘WAG MONG PAKIALAMAN ANG KASO KO’
SMALL RECLAMATION NG CHINA SA WPS, NAPIGILAN NG PCG
KASONG KRIMINAL LABAN SA NEGOSYANTENG CHINESE NA INIREKLAMO NG KIDNAPPING, ISINAMPA NG DOJ SA KORTE