
Hinihikayat ng Local Government Unit o LGU ng Taytay, Rizal sa pamumuno ni Taytay Mayor Joric Gacula, sa pamamagitan ng Taytay Agriculture Office, ang mga magsasaka, maggugulay, mangingisda, maghahayop, kabataan sa agrikultura, urban gardenista at iba pang kaalyado sektor na magparehistro sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture o RSBSA.
Ito’y upang lalong mapaunlad ang kanilang kabuhayan sa agrikultura at pangingisda.
Ayon din sa Taytay Agricultural Office, ito ang magiging basehan ng Department of Agriculture – Philippines at ng naturang tanggapan sa mga hinaharap na proyekto, inisyatibo, loan at benepisyo.
Para sa karagdagang katanungan, tumawag lamang sa naturang tanggapan sa 700-144-98.
More Stories
Korte, Nagpasok ng ‘Not Guilty’ Plea para kay Teves sa Kasong Illegal Possession of Firearms
Bike Lane Barriers sa EDSA, Tahimik na Inalis — mga Cyclist, Nanganganib!
P102K SHABU NASAMSAM! KELOT KUMAGAT SA BUY-BUST SA VALENZUELA