September 20, 2024

PING MEDINA, NANLIMOS DAHIL SA ONLINE SABONG

Nasaid na ang ipon ng actor na si Ping Medina kaya ito ay nanlilimos na.

Sa kaniyang Instagram account, nagpost ito ng larawan kung saan humihingi ito ng tulong sa kaniyang mga followers.

Kuwento nito na naubos na ang kaniyang ipon dahil sa kamalasang ng taong 2021.

Ang perang natitira na nagkakahalaga ng P36,000 ay ginamit niya para pasukin ang pagiging ahente ng online sabong.

Ipinautang niya ang ilan dito sa ibang kliyente at hindi pa siya binabayaran ng kaniyang “master agent”.

Kahit na ayaw niya na mangyari ang manghingi ay kailangan daw niya ito ng gawin para may pambayad siya sa renta ng kondo unit at ang renta ng kaniyang sausage sandwiches.

Nagbakasakali ito at kung talagang walang options ay babalik na ito sa Sagada para magtanim na lamang.