Hiniling na rin ng Manila Economic and Cultural Office sa pamahalaan ng Taiwan na isama na rin sa pagbabakuna ang mga manggagawang Filipino doon.
Ito ay sa harap ng pagsasailalim ngayon sa isolation ng halos 500 OFWS na nagtatrabaho sa isang pabrika sa Taiwan dahil sa local transmission ng Covid-19
Kasunod ito ng malawakang infection sa nasabing pabrika kung saan 7,000 na kabuuang bilang ng factory workers kung saan 1,700 naman na mga Pinoy ang mangagagawa rito.
Ayon kay Gilberto Lauengco, Deputy Resident Representative ng MECO , nagpadala na siya ng note verbale sa Taiwanese government para hilingin na isama sa prayoridad ng mga mababakunahan ang mga Filipino workers doon kabilang na dito ang Pinoy factory workers at caregivers.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY