DAHIL sa paglabag sa health protocol na pinaiiral ng ng Department of Health, agad na ipinasara ng Business Permit and Licensing Office (BPLO) ang ilang business establishment sa Antipolo City sa lalawigan ng Rizal.
Sa post sa social media ni Antipolo City Mayor Andrea “Andeng” Ynares, nagsagawa ng surprise inspection ang mga official at tauhan ng BPLO sa kahabaan ng M. L. Quezon Street, Antipolo City kung saan ay naaktuhan ang ilang establishments na hindi sumusunod sa health guidelines.
Sa nasabing inspection, ay nagulat ang ilang negosyante nang mahuili sila sa akto ng BPLO na hindi nakasuot ng facemasks at hindi nakasusunod sa physical distancing.
Bukod dito huli rin sa akto ang mga business establishment na walang ginagamit na thermal scanning, walang sanitizers at disinfectants.
Kabilang sa mga ipinasara ay ang mga tindahan ng bigas, isang bakeshop, ang remittance center na Palawan Express Pera Padala at Green wealth poultry farm supply.
Tiniyak naman ni Mayor Ynares na hindi magmumulta ang mga pinasarang violator na papayagan din aniyang makapag-operate muli kung mapatutunayang kaya na nilang sumunod sa mga health and safety protocols ng DOH.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA