Mambaling, Cebu City- Bumagsak na sa kamay ng mga pinagsanib na awtoridad ng PNP Region 7 at ng PDEA sa isinagawang anti-illegal drugs operation noong araw ng Huwebes ang isang High Value Individual (HVI) at nakuhanan ng humigit kumulang na tatlong milyon piso ng mga iligal na droga, baril at mga bala sa lugar ng Sitio Tinabangay, Alaska-Mambaling sa nabanggit na bayan.
Kinilala ang suspek na si John Rey Jabagat alyas “John”, 30, na nasa listahan ng High Value Individual (HVI) sa Cebu.
Base sa ipinadalang report ng Police Regional Office 7 Regional Director PBGen.Ronnie S. Montejo kay PNP Chief Guillermo Eleazar, si Jabagat ay nadakip sa isang drug buy-bust operation na inilatag ng mga awtoridad.
Nakuha sa suspek ang mga sumusunod isang sling bag, 1 piraso ng heat sealed transparent plastic pack na naglalaman ng pinaniniwalaang shabu, 4 pcs. heat sealed plastic sachet na meron laman shabu, 4 pcs. knot tied transparent plastic packs ng iligal na droga, boodle marked money P16.000., 1 piraso. cal.45 pistol na meron laman na isang magazine at loaded ng apat na piraso ng mga bala at sa kabuuan ay aabot ng 430 grams ng shabu na meron halagang P2,924,000.00.
Mahaharap sa mga patong-patong na mga kaso ng Sec.5 at 11 of Art. II ng RA 9165 (Dangerous Drugs Act.of 2002) at RA 10195 Illegal Possession of Fire Arms and Ammunitions. Nagpasalamat naman si Eleazar sa mga nagsagawa ng operasyon laban sa suspek gayundin sa mga Mamamayan na nakikiisa laban sa iligal na droga. (KOI HIPOLITO)
More Stories
Women’s basketball pagigilasin ng MPBA
BOC AT ARISE PLUS TINALAKAY ANG PROGRESS AT PRIORITY PROGRAM PARA SA TRADE FACILITATION
300 PDLs NA MAY DRUG-RELATED CASES INILIPAT NA SA SABLAYAN PRISON