December 23, 2024

ERAP BALIK ICU DAHIL SA IMPEKSYON SA BAGA

Muling dinala sa intensive care unit (ICU) si dating Pangulo Joseph Estrada dahil sa lung infection.

Ayon sa kaniyang anak na si dating Senator Jinggoy Estrada sa pamamagitan ng social media post, may nakita umanong “superimposed bacterial lung infection” sa kaniyang ama kung kaya’t ibinalik nila ito sa hospital.

Nilinaw naman nito na nananatiling stable ang kondisyon ng dating pangulo ng bansa at kailangan lang itong ibalik sa ICU para sa gagawing monitoring at support sa kaniyang blood pressure na nag-fluctuate dahil sa impeksiyon.

Nitong linggo lang inihayag ni Jinggoy, na nagnegatibo na sa COVID-19 ang 83-anyos na ama at tila mabuti na ang pakiramdam nito.

“But overall, he is stable with high flow oxygen support,” ani Jinggoy. Napag-alaman na ang dating pinuno ng Pilipinas at dating alkalde ng Maynila ay magiging 84-anyos na sa darating na Abril 19.