
Tahasang sinabi ni Stephen Smith ng ESPN na natatakot siya sa maaaring mangyari kay Sen. Manny Pacquiao.
Aniya, sa oras na magharap sila ni Terrence Crawford ngayong taon, mana-knock-out daw ito. Ito aniya ang kanyang kinatatakutang mangyari.
Ayon pa sa ESPN host, ang edad aniya ni Pacman na 42-anyos ang isa sa magiging dahilan. Na magiging disadvantage kaya matatalo ito sa 33-anyos na si Crawford.
Wala umanong chance si Pacquiao na daigin ang isa sa welterweight champion. Pero, nagdududa rin siya kung kaya ni Crawford na i-knockout ang eight-world division boxing champion/
“It’s not going the distance. I love Pacquiao, but I’m scared he’s going to get knocked out [by Crawford,” ani Stephen A. sa ESPN.
Kahit aniya matalo ang Pambansang Kamao, karespe-respeto pa rin aniya ito.
“He’s an elite, phenomenal Hall of Famer, but he’s coming. So if you’re Terence Crawford, you can turn back into the boxer/puncher.”
“When you look at Pacquiao, he’s great, I know this, and he’s aged, and we know that. I’m saying because of Crawford. I’m saying that Crawford is on another level, man.” aniya.
More Stories
86 DRIVER, 2 KONDUKTOR POSITIBO SA SURPRISE DRUG TEST NG PDEA NGAYONG SEMANA SANTA
P102 milyong halaga ng shabu, nasabat sa checkpoint sa Samar
DepEd: Walang pagbabawal sa pagsusuot ng toga sa graduation; imbestigasyon sa Antique incident sinimulan na