November 24, 2024

Plan A si Pacquiao, Terrence Crawford ayaw kasahan si Errol Spence kahit inalok ng 50-50 purse split

Hindi sure si Terrence Crawford kung payag siyang labanan si Errol Spence. Ito’y sa kabila na inalok siya ng 50-50 purse split.

Hindi naman nilinaw ng Top Rank kung anong hatiin ang gusto nito. ‘O kung ano ang iba pang gusto.

I don’t know, to be honest, because I’m past that,” saad ni Crawford  sa AK & Barak Show.

Naungkat din ang isyu tungkol sa speculation ng mga boxing fans na aalis na siya sa Top Rank. Mapapaso na kasi ang contract nito sa October.

I don’t know where everybody is getting that information, but that’s what people do, that’s what media do.”

Ang IBF/ WBC 147lb champion na si Spence ang isa sa hinihilot ilaban sa undefeated pug. 

Ayon pa kay Crawford, hinihintay niya ang deal. Umaasa siyang maikakasa ang laban kay Sen. Manny Pacquiao. Pero, may kalabuang mangyari.

Ito ang talagang Plan A ni Crawford. Kung talaga uubra, mas gusto niyang labanan si Shawn Porter. Ito ang kanyang Plan B.

 “I told Shawn [Porter] to standby because if the fight we’re working on doesn’t go through, then for sure we’ll visit that fight,”

Pero, nagbago ang kanyang isip. Mas gusto na nitong labanan si Yordemis Ugas.

“Why would I choose Shawn Porter with nothing to gain when I can choose Ugas. I’m fighting for something. That’s a no-brainer. Everybody in the game, or should I say, 65% of the people felt that Ugas beat Shawn Porter.”

Lumalabas na ayaw din nitong labanan si Spence o kaya’y si Vergil Ortiz Jr. Si Ortiz ay hawak ng Golden Boy Promotions. Nabanggit nito ang pangalan ni Crawford pagkatapos itala ang knockout sa Round 7.