Pumayag ang Blackwater Elite na palagdain si Kelly Nabong ng six-month deal. Ito ay dahil sa lubhang kailangan ng team ng isang big man.
Hinablot ng Elite ang 32-anyos na si Nabong mula sa free agency sa NorthPort nitong of-season. Naghahanap ang Blackwater ng role player na big man nitong nakaraang mga buwan.
“He will prove that he is a changed man,” saad ni Blackwater boss Dioceldo Sy.
Noong PBA bubble, ang 6-oot-6 na si Nabong ay nakapagtala ng average na 11.55 points at 5.18 rebounds per game.
Kinuha rin ng Elite ang big man na si Rey Marc Aquino (6’7) via second round pick noong 2021 draft.
Naglaro na noon si Nabong sa team noong 2012 sa PBA D League. Ngunit, ayon saq multiple sources, hinahabol ng NorthPort si Nabong.Kinuha ng NorthPort ang cager noong January 2020 mula sa San Miguel Beermen.
“Medyo, naalarma sila.Hihilutin nila si Nabong para di matuloy ang paglipat sa Elite,” pahayag ng source.
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Women’s basketball pagigilasin ng MPBA
AFAD Defense and Sporting Arms Show ikinàsa na sa SMX Pasay, Sen. JV Ejercito at CSG Maj. Gen. Francisco dumalo