
BILANG pagtalima sa programa ni Valenzuela Mayor Rex Gatchalian kontra droga, isang pagpupulong para sa mga Purok Leaders ang inorganisa ni Kap. Martell Soledad ng Barangay Karuhatan upang talakayin ang mga problema ng siyudad hinggil sa droga.
Ang programa na pinamunuan nina Kagawad Deng Antonio, Sgt. Carlos Erasquin ng SDEU, Executive Officer Ugto Ignacio na ginanap noong Marso 12, Biyernes sa himpilan ng Barangay Karuhatan.
Naniniwala ang mga opisyal ng Brgy, Karuhatan na makakatulong sa pagsugpo ng problema sa droga ng Valenzuela City kung patuloy na pakikipagtulungan ng mamamayan.



Patuloy na pinaiigting nina Kap Soledad, Ex-O Ugto at lokal na pamahalaan ng Valenzuela ang kampanya kontra droga upang tuluyan nang masawata ang paglaganap nito.
More Stories
IMEE MARCOS: PRESYO NG BILIHIN, TULONG SA SOLO PARENTS, SENIOR AT PWD, PRAYORIDAD SA SUSUNOD NA TERMINO
IMEE SA LUMABAS NA LARAWAN: ‘WALANG PERSONAL NA KONEK!’
2 PATAY SA SALPOKAN NG KOTSE AT BUS SA CALAUAG, QUEZON