
Kinumpirma ni Atty. Mike Santiago ang abugado ng limang akusado sa Dacera case na pinag-aaralan na nila ang pagsasampa ng kaso sa Dacera family partikular kay Ginang Sharon Dacera ang ina ni Christine Dacera.
Magsasampa rin ng kaso ang kampo ng mga akusado sa Philippine National Police at National Bureau of Investigation.
Ayon kay Atty. Santiago posibleng Libel, Perjury, malicious prosecution at Cybercrime ang kanilang isasampang kaso sa pamilya Dacera, PNP at NBI.
Sa isinagawang presscon inamin naman ni Atty. Santiago na nababahala na ang kanyang mga kliyente sa karagdagang kasong isinampa ng NBI sa kanila.
Inisa-isa pa ni Atty. Santiago sa presscon ang mga dahilan kung bakit sila magsasampa ng counter charges sa mga nabanggit dahil sa mga maling paratang at kaso na isinampa laban sa mga akusado.
More Stories
NURSING SCHOLARSHIP ‘DI PWEDE SA PANGIT NA BABAE – MISAMIS ORIENTAL GOV (Comelec maglalabas ng show cause order)
TOTOY SINAKAL, KINAGAT SA ARI NG KA-LIVE IN NG INA, PATAY
2.3-M PASAHERO INAASAHANG DADAGSA PARA SA HOLY WEEK – PITX