November 24, 2024

SINONG NANINIWALA SA MAKABAYANG BLUFF?

SAAN ka makakita ng isang magulang na nalilihis ng ideolohiya na namatayan ng kanyang anak na isinabak sa pakikibaka na ituturing pang bayani ito ng bayan sa halip na pagsisihan ang pagsira ng buhay ng sariling supling  na may magandang bukas sana kundi niya itinulak sa kumunoy ng  walang kuwentang laban.

Ang ikinamatay na kanyang anak ay  sa aktong naghahasik ng terorismo sa kanayunan paano ito ituturing na bayani ng bayan?

Ang pobreng anak ay biktima lang ng maling paniniwalang itinimo ng kayang inang namumuhay ng mariwasa sa kongkretong gubat ng  lungsod at pinapasuweldo pa ng   pamahalaang kanilang nais pabagsakin habang ang anak ay hinayaang mabuhay sa gubat ng kawalan kapiling ang mga sandatang pangkitil ng buhay sa kalabang  taga-gobyerno pati na ang mga inosenteng walang kinalaman sa kanilang ipinaglalaban.

Kahirapan daw at kawalang hustisya ang inilalason sa utak ng mga nire-recruit nilang kabataan na ang sarap ng buhay sa piling ng mga magulang pero  dahil sa kanilang sangangdila ay napag-alab nila ang damdamin at tinuturuang maging subersibo at mamundok na senyal na nang pagkasira ng buhay ng kanilang biktima.

Halos  mag-isang siglo na ang kanilang  pakikibakang pagbabago daw ng sistemang gobyeno bilang komunista kung saan lahat daw ay pantay-pantay.Iisang uri ng damit walang  wallet dahil puro sila labor at  di uso ang pera kaya walang mahirap walang mayaman pero ang mga  namumuno ay daig pa ang mga hari at sa kanila lahat napupunta ang ginto ng estado. Ang tagal nang pakikiaway sa pamahalaan at inabot na ng ugod – ugod na Dyoma  sa katandaan ang kanilang founder  na lahat na ng  gobyernong  dumaan ay kinalaban.

Ngayon ay seryoso na ang kasalukuyang administrasyon na huwag nang ispoylin ang kabalbalan ng kaliwa, huwag nang amuin at sila ang patalsikin sa Kongreso at iba pang kinakanlungang institusyon na nakapagtataka na  nangunguna pa ang simbahan, negosyo, dilawan, oligarko, mainstream biased media na nagkakaroon ng unholy alliance para ibagsak ang kasalukuyang gobyerno.

Wala namang naniniwala sa tres porsiyentong kinabibilangan nila mula sa mayorya ng bayang nais ng mapayapa at masaganang buhay.

Osbu na ang pasensya  ng Pangulong kanilang kinamumuhian na totoo at seryoso sa kanyang pagpuksa sa mga salot ng lipunan na di tulad nilang namuhay- alamang bilang MAKABAYANG BLUFF… Abangan!!!

Lowcut: Ang galing ng biased mainstream media . Nag-rally ang mga magulang ng mga ni-recruit ng mga anak nilang kabataang estudyante at nasira ang buhay pero walang kumober mula sa hanay nila samantalang kapag ang mga  pulahan ang nagrarali ay full coverage at pinasisikat ang mga demonyong perwisyo ng bayan na wala namang nakukuhang simpatiya mula sa mamamayan. Bakit sila ganyan?