May 17, 2024

AKTOR NA SUMUPORTA SA ‘ABS-CBN SHUTDOWN’ TABLADO KAY OGIE DIAZ



TINABLA ni Ogie Diaz ang request na i-promote ang ipapalabas na pelikula na pinagbibidahan ng isang aktor na sumuporta para maipasara ang ABS-CBN.

Paliwanag ni Diaz na kinausap raw siya ng promo coordinator ng proyekto kung puwede’y mag-guest sa kanyang YouTube channel ang naturang aktor. Kasama sa entry ang naturang pelikula sa Metro Manila Film Festival.

Pero paglilinaw ni Diaz na hindi lumapit ang aktor sa kanya at tanging ang promo coordinator lang ang kumontak sa kanya.

“Hindi talaga,” giit ni Diaz. “Firm ako diyan and that’s my stand at kung sino iyong mga kakilala ko o kaibigan na nag-yes to shutdown, hindi ko kayo ige-guest.” Ani Ogie, kung kikita naman daw ang MMFF entry ng aktor ay hindi nito kailangan ang kanyang tulong para mai-promote ito.

Nang tanungin naman siya ng kanyang friend na si Mama Loi sa kanyang vlog kung may plano ba itong panoorin ang pelikula, simple lang ang kanyang naging sagot na wala raw siyang dahilan para panoorin ito.