September 22, 2024

TAAS-PRESYO NG LPG SASALUBONG SA DEC. 1

INABISUHAN ng mga kompanya ng liquefied petroleum gas ang publiko na magkakaroon ng pagtaas ang presyo ng kanilang produkto simula Martes, Disyembre 1.

Ayon sa Petron, simula hatinggabi, P0.96 ang taas-presyo sa kada kilo ng LPG, habang P0.54 naman sa presyo ng kada kilo ng auto-LPG.

Inaantabayan pa ang anunsiyo ng ibang kompanya ng LPG.

Kasabay din nito, nagsabi ang mga oil firm na tataasan nila nang higit P1 ang presyo ng petrolyo sa unang araw ng Disyembre.