November 24, 2024

PH Volleyball star Rachel Anne Daquis, naghatid ng tulong sa mga nasalanta ng bagyo

Hindi lamang sa court mahusay si volleyball star Rachel Anne Daquiz. Bukod sa pagiging volleyball icon, may ginintuang puso rin si Daquiz.

Katunayan, naghatid ng tulong ang volleybelle sa mga apektado ng nakalipas na bagyong Ulysses. Pinot pa niya ang tungkol dito sa kanyang Facebook account.

“Small Act Of Kindness Goes A Long Way. Stay Strong Rizaleños.”

Thanks also to my Tita Safia & Tita Diane,” saad ng Cignal HD Spikers volleybelle.

Ang 29-anyos na si Rachel ay taga-Taytay, Rizal na kasalikuyang naglalaro sa Philippine SuperLiga. Ikinatuwa naman ng kanyang mga fans ang kawanggawang ginawa niya.

Katunayan, pinuri siya ng mga ito sa kanilang comments.