May 5, 2024

PH weightlifter Sarno, bumuhat ng 3 gold medals sa Online World Cup

Pinakyaw ni national pool member Vanessa Sarno ang 3 gold medals sa women’s 71kg International Weightlifting Federation (IWF) Online Youth World Cup 2020.

Ang torneo ay idinaos at inorganisa sa Lima, Peru. Naglista ang 17-anyos na lifter ng perfect 87-91-93kg sa snatch.

Naglista naman siya ng 112-116-118 sa Clean and Jerk. Dahilan upang buhatin ang Pilipinas sa 5th place overall sa idinaos na torneo.

Inilista rin ng tubong Tagbiliran City, Bohol ang personal best na 93kg sa snatch at overall 211 kg. Kaya naman, nabuhat nito ang 3 gintong medalya sa kanyang weight class.

Nagtala ang 17-anyos na lifter na tubong Tagbilaran City, Bohol ang perfect na 87-91-93kg sa snatch at 112-116-118kg sa Clean and Jerk upang luklok ang Pilipinas sa 5th.place overall ng ginaganap na international meet.

  “Masayang-masaya po kasi na-improved ko ang output ko last year,”ani  Sarno ng BIT-IC (Bohol Institute of Technology-International College).

Nakuha naman ni Nigora Suvonova ng Uzbekistan ang 3 silver medals. Samantalang nahablot naman ni Nancy Abouke ng Naura ng bronze.